Prayoridad ng DSWD ang mga sambahayang Pilipino na kinilala bilang mahirap sa ikatlong cycle ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), o “Listahanan 3″.
Ang mga benepisyayo ay ang uunahin para sa komprehensibong serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay matapos na opisyal na lagdaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang isang data sharing agreement kasama ang PhilHealth President at Chief Executive Officer na si Emmanuel Ledesma, na kinatawan ni Management Group Vice President Lemuel Untalan.
Ang kasunduan ay nagpapahintulot sa ahensya ng health insurance ng gobyerno na ma-access ang Listahan ng mahihirap na sambahayan ng DSWD.
Gayundin na nagbibigay ng access sa PhilHealth na gamitin ang Listahanan 3 upang unahin ang mahihirap na benepisyaryo ng sambahayan ng National Health Insurance Program (NHIP), na itinatag ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act.
Binigyang-diin ni Gatchalian na ang partnership ay nagmamarka ng isa pang malakas na senyales ng isang whole-of-nation approach sa pagsisikap na lutasin ang kahirapan.
Ang Listahanan, na binuo ng DSWD, ay nagsisilbing batayan para sa pagpili ng mga karapat-dapat na benepisyaryo ng lahat ng mga programa at serbisyo sa proteksyong panlipunan ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Executive Order No. 867.