-- Advertisements --

Tiniyak ng pamahalaan ang tulong na matatanggap ng mga magsasaka at mangingisda na apektado nang pag-alburoto ng Taal Volcano.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na papayagan ang mga magsasaka at mangingisdang ito na makapag-loan sa gobyerno na walang interest.

Sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) program, aabot ng hanggang P25,000 ang maaaring utangin ng mga magsasaka at mangingisda.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, puwede itong bayaran ng hanggang tatlong taon na walang interest.

Sa tantiya ng DA, aabot na sa P577.4 million ang inisyal na halaga ng pinsala sa agrikultura ng pag-alburoto ng Taal.