Nagbigay ang Department of Agriculture (DA) ng mga punla, makinarya, at iba pang agarang tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Nabigyan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ng mga buto ng gulay, niyog at saging, mga pataba, at indemnity claims na nagkakahalaga ng P4.7 million.
Sa partikular, ang mga magsasaka na naapektuhan ng lindol ay nakatanggap ng 1,000 piraso ng mga materyales sa pagtatanim ng saging at 1,000 hybrid coconut seedlings.
Samantala, ang mga magsasaka sa South Cotabato ay nabigyan ng P26.3 milyong halaga ng makinarya at tseke para sa indemnity at pautang.
Gayundin ang P2.08 milyong halaga ng mga bagong fishing boat at paraphernalia ang ibibigay sa 54 na indibidwal sa Soccsksargen.
Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay tinutugunan din ang pinsalang idinulot ng mga swell na dulot ng lindol sa mga fish cage na pag-aari ng Malapatan Fishermen Association na nagkakahalaga ng P1.8 milyon.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang iba’t-ibang ahensya ng assessment upang matukoy ang halaga ng pinsala na dulot ng malakas na lindol.