Pinapakalma ng Aklan United Hog Raisers Association (AURA) ang mga miyembro nito kasunod ng napabalitang unang suspected case ng African Swine Fever (ASF) sa Oton, Iloilo.
Ayon kay Alice Manlabao ng AURA na matapos pumutok ang naturang balita Huwebes ng hapon ay nagpanic ang ilan sa kanilang mga miyembro at nagpahayag na ibebenta ang kanilang mga alagang baboy kahit wala pa sa tamang oras.
Sa kabila nito, naiintidihan umano nila ang kanilang sitwasyon sa pangambang lalo pang malugi.
Pinayuhan nito ang publiko na iwasan munang magpanic habang hinihintay pa ang confirmatory testing results.
Batay sa patakaran, sakalin may magpositibo sa ASF sa isang piggery o alagang baboy ng mga backyard o small hog raisers ay madadamay ang iba pang mga alagang baboy sa loob ng 5 kilometer radius sa pamamagitan ng culling o pagkatay at paglibing o pagsunog sa mga ito.
Kaugnay nito, panawagan ng grupo na palakasin pa ng provincial at municipal government ang monitoring at border control upang maiwasang makapasok ang ASF sa lalawigan ng Aklan.
Kaugnay nito, panawagan ng grupo na palakasin pa ng provincial at municipal government ang monitoring at border control upang maiwasang makapasok ang ASF sa lalawigan ng Aklan.