-- Advertisements --

Nanawagan ng imbestigasyon ang culture secretary ng United Kingdom sa UEFA dahil sa pagkakaantala ng pagsisimula ng Champions League finals.

Umani kasi ng batikos ang mga kapulisan ng France dahil sa paggamit ng tear gas at pepper spray sa ilang fans ng Liverpool na naghihintay na makapasok sa stadium Paris.

Sinabi ni UK Secretary of Culture Nadine Dorries na interest ito ng karamihan at dapat ay matuto na ang lahat.

Tiniyak naman ng governing body ng Europe na kanilang iimbestigahan ang insidente.

Ang kick-off sa Stade de France ay naantala ng 36 minuto kung saan isinisi ng UEFA ang pagkakantala ng pagdating ng mga fans.