-- Advertisements --

Muling magpapatupad ang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ng mas striktong implementasyon ng COVID-19 protocols dahil sa paglobo ng bilang ng mga lumalabag sa buong bansa.

Kabilang na dito ang pagsasagawa ng mass gatherings na pumalo na sa 5,469 porsyento.

Ayon kay Ano muling magiistrikto ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng minimum public health standards gayundin ang mga lokal na pamahalaan partikular na ang mga barangay officials, barangay tanod, kasama ang mga commercial establishments , community leaders, campaign managers na tumulong na magpatupad ng health protocols.

Hindi aniya papayagan na muling magkaroon ng COVID surge sa ating bansa sa kabila ng ilang projection na maaaring sumipa ang mga kaso sa susunod na buwan o linggo.

Sa ibinahaging datos ni Ano, mula Abril 15 hanggang 24 aabot sa 724 ang naitalang mass gathering violations.

Tumaas naman ng 201% ang naitalang no physical distancing violations kumpara sa 3,002 na naitala noong nakalipas na linggo.

Sumipa naman sa 196% o 84,969 ang dami ng mga lumabag sa pagsusuot ng facemask mula sa naiatlang 28,622 noong nakalipas na linggo.

Samantala, sa ngayon walang mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown subalit nababahala ang opisyal na posibleng tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mataas na bilang ng mga naitalang lumalabag.