NAGA CITY – Plano ni Vice President Leni Robredo na bisitahin ang mga lugar na naapektuhan ng bagyong Tisoy.

Sa pagharap ng Bise Presidente sa mga kagawad ng media, sinabi nitong plano niyang puntahan ang mga lalawigan ng Sorsogon, Albay at Masbate.

Target nito na mabisita ang mga coastal areas na higit na apektado ng nagdaang kalamidad.

Ayon dito, mayroon pang mga lugar na may problema sa komunikasyon dahil sa bagsak ang mga signal.

Sa kabila nito, bagama’t kumpleto na aniya ang hawak na datos gusto pa ring bisitahin ng opisyal ang Northern Samar, Mindoro Oriental at Cagayan.

Sa ngayon, sinabi ni Robredo na una muna niyang puntahan ang Bicol Region na naging sentro ng nasabing bagyo.