Ibinabala ng Pagasa ang hanggang tatlong metrong taas ng storm surge sa Bicol, Southern Tagalog, Central Luzon at maging sa Metro Manila.
Bunsod umano ito ng malakas na hanging dala ng typhoon Rolly, na papalapit na sa Bicol region.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 370 km sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 215 kph hanggang 265 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 25 kph.
Signal No. 3: Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur at Albay
Signal No. 2: Bulacan, Rizal, Metro Manila, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, pati na ang Polillo Islands, Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Sorsogon, Masbate pati na ang Ticao at Burias Islands, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Island, Northern Samar, northern portion ng Samar, northern portion ng Eastern Samar
Signal No. 1: Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pangasinan, La Union, southern portion ng Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, central at southern portions ng Isabela at Calamian Islands. Rest of Eastern Samar, natitirang bahagi ng Samar, northern portion ng Leyte, northwestern portion ng Aklan at northwestern portion ng Antique










