-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inutusan ng Department of Agriculture ang mga local government units sa Western Visayas na maging mapagmatyag sa pagpasok ng African Swine Fever sa pamamagitan ng processed meat products.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Jose Albert Barrogo, Regional Excutive Director ng Department of Agriculture Region 6, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling monitoring, dumami na ang mga ipinapasok na processed meat sa rehiyon.

Ayon kay Barrogo, ang nasabing mga processed meat ang nagmula sa mga katabing mga rehiyon at lalawigan.

Aniya, ang African Swine Fever virus ang posibleng mananatili ng matagal na panahon at maaaring maging sanhi ng infection sa baboy.

Upang hindi na madagdagan pa ang numero ng mga namatay na baboy, mas maganda ayon kay Barrogo na higpitan ang mga hakbang base sa ‘BABAY ASF PROGRAM’.

Ito ay ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry Memorandum Circular No. 24 Series of 2023 o ang mga batayan sa application at renewal ng Certificate of Free Status at Recognition ng active surveillance sa African Swine Fever upang matuloy ang pagbyahe ng mga buhay na baboy at genetic materials sa target na mga lugar.