Sinimulan na ng mga LGU sa Metro Manila ang mga pag-enganyo ng mga mamamayan nila na magpa-booster shots.
Mula ng ianunsiyo ng Department of Health (DOH) na inaprubahan na ng Food and Drugs Adminstration (FDA) ang pinaikling buwan ng mga pagpapabooster mula sa dating anim na buwan ay ginawa na lamang itong tatlong buwan pagkatapos ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Karamihan sa mga LGU sa NCR aniya ay tumatanggap na sila ng mga nais na magpabooster.
Ilan sa mga panuntunan na inilagay ng mga LGU ay dapat dalhin ng mga nais na magpabooster ang kanilang vaccination card na nagpapatunay na tapos na nila ang kanilang 2nd dose.
Mahigpit pa rin ang bilin ng mga LGU na dapat sundin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask kapag magtutungo sa mga vaccination sites.
Magugunitang ipinatupad ng DOH ang booster shots matapos ang pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Paglilinaw din ng DOH na bawal na mabigyan ng booster COVID-19 vaccine ang mga edad 12 hanggang 17.