-- Advertisements --
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGU) na bigyan ng mga pagkain ang kanilang mga mamamayan na magpapabakuna laban sa COVID-19.
Sa kaniyang talk to the people nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gumastos na ang LGU dahil kaniya rini itong babayaran.
Umapela din ito sa mga alkalde at gobernador na dalhin sa mga vaccination sites ang kanilang mga consitituents para sila ay mabakunahan na.
Ang panawagan ng pangulo ay kasunod ng nalalapit na tatalong araw na national vaccination day na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggand Disyembre 1.