-- Advertisements --

Nabigyan ng Bangko Sentral ng PIlipinas (BSP) ng certificates of authority sa anim na mga lending companies na nag-apply para sa kanilang digital banking licenses.

Ayon sa BSP na ang nasabing certificates of authority ay nangangahulugan na ang nasabing mga institusyon ay maaari ng magsimula ng kanilang full operations.

Ang nasabing hakbang ay isa sa pangunahing prioridad ngayon ng BSP ang digital payments sa iba’t-ibang transaksyon.

Nitong Hunyo lamang aniya ay mayroong 1.4 milyon na electronic payments at financial transaction.