Dapat maghanda ang mga leader ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) na harapin ang mga kasong kriminal kung patuloy silang susuway sa Senado at tatangging ibunyag ang mga pagkakakilanlan ng mga donor sa likod ng kontrobersyal na “Edsapwera” TV ad.
Ito ang babala ni Senadora Risa Hontiveros matapos bigong hindi maisumite sa pagdnig ang listahan ng contributors para isulong ang charter change.
Ayon kay Hontiveros, mahaba na ang panahon na binigay ng Senado sa grupong PIRMA para ilahad ang mga donor sa TV ad ukol sa pekeng People’s Initiative.
Aniya, hindi pwedeng maliitin ang balewalain ang Senado dahil ito ay paglaba sa batas.
Punto pa ng mambabatas, ang pagtanggi na sagutin ang anuman legal na pagtatanong o makapaglabas ng papeles na hawak ng isang indibidwal, ay may parusang hanggang anim na buwang pagkakakulong o multang P40,000 hanggang 200,000, o parehong multa at pagkakakulong.
Bukod sa criminal penalties, sinabi ni Hontiveros na maaari ring ma-contempt si Oñate at mga lider ng PIRMA na nabanggit na komite ng Senado, kung patuloy silang hindi susunod sa mga utos ng komite.