Ipinahayag ng isang abogado ng mga pamilya ng biktima ng Air India plane crash na nagkaroon ng matinding pagkakamali sa pagbabalik ng mga labi ng mga nasawi, kabilang ang pagpapadala ng pinaghalong mga bahagi ng katawan sa maling pamilya.
Ayon kay James Healy-Pratt, kinatawan ng 20 pamilyang Briton na nawalan ng mahal sa buhay sa trahedya, isang kabaong na ipinadala sa UK ay may “co-mingling” o halo-halong bahagi ng katawan na hindi tumutugma sa pagkakakilanlan ng biktima.
Isa pang pamilya ang nakatanggap ng labi ng ibang tao.
Magugunitang nangyari ang pagbagsak ng London-bound Boeing 787 Dreamliner noong Hunyo 12, matapos mag-take off mula sa Ahmedabad, India.
Sa 241 kataong sakay, 169 ay Indian at 52 ay British — lahat nasawi maliban sa isang pasahero, ang British na si Vishwash Kumar Ramesh.
Batay sa mga awtoridad na ito ang isa sa mga pinakanakamamatay na plane crash na may malaking bilang ng British casualties.
Ayon sa imbestigasyon ng isang British coroner, lumabas ang mga pagkakamaling ito sa unang dalawang kabaong na naibalik sa UK.
Tiniyak ng abogado na patuloy ang panawagan ng mga pamilya para sa maayos na pagkilala at pagbalik sa kanilang mga mahal sa buhay.