Umabot na sa 907,636 ang bilang ng mga indibidwal na apektado sa naging pananalasa ng Bagyong Goring, Hannah, at Hanging Habagat sa buong bansa.
Ito ay katumbas ng 239,581 na pamilya.
Batay sa datus ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nadagdagan ng 30% ang kabuuang datus na naitala sa huling validation ng naturang konseho.
Umaabot naman sa 2,285 brgys ang kumpirmadong naapektuhan, mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Cordillera Administrative Region (CAR), and National Capital Region (NCR).
Sa kasalukuyan, nananatiling pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center ang kabuuang 931 na pamilya o katumbas ng 3,328 katao. Kabuuang 43 evacuation center pa rin ang nakabukas.
Naitala sa Western Visayas ang may pinakamaraming bilang ng mga epktadong indibidwal na may kabuuang 537,747 katao o katumbas ng 145,171 na pamilya.