-- Advertisements --

Hinihikayat ngayon ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang lahat ng negosyo sa lungsod na mag-apply ng economy recovery assistance program na magbibigay ng cash grants sa mga kumpanya ngunit depende pa ito sa kung ilang empleyado ang taga-Makati.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, makakatanggap ang bawat negosyo ng hanggang P100,000 sa ilalim ng Makati Assistance and Supprt for Businesses (MASB).

Matatapos ang application para rito sa Disyembre 31.

Sa ngayon, aabot na ng halos 5,000 applications ang natatanggap ng Makati LGU sa pamamagitan ng www.proudmakatizen.com website at kasalukuyang pinoproseso upang matulungan ang kmga kumpanya na pasahurin ang kanilang mga empleyado.

Makakatulong din umano ang hakbang na ito upang unti-unting makatayo ang mag negosyo na naapektuhan dahil sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ng alkalde, tanging mga kumpanya lamang na nag-ooperate sa Makati City at Makati-registered branches ang maaaring mag-apply. Kailangan lamang na magpakita ng valid business permit ngayong taon at kung wala itong outstanding tax obligations.