-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang mga produkto.
Kaninang alas-6 ng umaga ay nagpatupad ng P0.85 na bawas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.90 na bawas sa kada litro ng kerosene.
Mayroon namang P1.30 na bawas sa kada litro ng diesel.
Itinuturing ng Department of Energy na ang dahilan ng bawas presyo ay dahil sa pagbaba rin ng presyo ng mga produktong langis sa world market.