-- Advertisements --

Inirekomenda ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson sa Sanngguniang Panlalawigan na ideklarang ‘persona non grata’ ang mga komediyanteng sina Long Mejia, Dagul at Gene Padilla.

Ryan singson

Agbiag ti Ilocos Sur FB post

Ito ay dahil sa paglabag umano ng tatlo sa quarantine protocols at pag-iwas sa mga checkpoints sa nasabing probinsiya.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Singson na hindi nila kinokonsinte ang maling gawain.

Wala umanong koordinasyon na isinagawa sa kanila ang grupo nina Roberto Mejia o Long Mejia, Romy Pastrana o si Dagul at Gene Baldivia o ang komediyanteng si Gene Padilla.

Dahil pagmamatigas nilang sumailalim sa quarantine checkpoints ay mariing kinondina ni Singson ang pangyayari para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Hindin naman naglabas ng pahayag ang kampo ng tatlong komediyante kung ano ang ginagawa nila sa nasabing probinsiya.

Nangyari umano ang insidente base sa kapulisan nitong Sabado ng gabi.