Tinatayang aabot sa 364,000 ang bilang ng mga kaso ng sakit na human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas pagsapit ng taong 2030.
Ito ang babala ng Department of Health (DOH) sakaling hindi masu-sustain ang mabilis na pagdami ng mga bagong impeksyon nito sa bansa.
Ayon kay Noel Palaypayon mula sa National HIV & STI Surveillance and Strategic Information ng DOH Epidemiology Bureau, halos kalahati ng mga bagong kaso ng HIV sa bansa ay kinabibilangan ng mga indibidwal na mayroong edad na 15 hanggang 24 na taong gulang.
Sa datos, tinatayang aabot sa 1.5 million katao sa buong mundo ang diagnosed ng HIV noong 2021, mas mababa ito kumpara sa 32% na mga bagong kaso ng nasabing sakit na naitala noong taong 2010.
Ngunit ito ay kabaligtaran ng kaso sa Pilipinas dahil noong taong 2021 ay mayroong 21,400 na mga indibidwal ang naitalang infected ng HIV, at 327% itong mas mataas sa taunang mga bagong kaso ng nasabing sakit na naitatala mula 2010 hanggang 2021.
Habang mula noong taong 1984 hanggang nitong Pebrero ng taong kasalukuyan ay pumalo na sa kabuuang 112,028 ang itinaas ng mga indibidwal na diagnosed ng nasabing sakit.