-- Advertisements --

Itinuturing ng Chinese Embassy na isang “isolated cases” lamang ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga Chinese sa bansa.

Ayon sa embahada, na ang nasabing mga kaso ay hindi dapat maapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa.

Tiniyak din nila na mahigpit na nakikipa-ugnayan ang Chinese government sa gobyerno ng Pilipinas para malabanan ang anumang uri krimen na kinasasangkutan ng mamamayan nila.

Magugunitang ibinunyag ng ilang mga senador ng bansa na sangkot sa krimen gaya ng human trafficking, prostitution, kidnapping at money laundering ang ilang mga Chinese sa bansa.