Isinailalim na sa paraffin test ang mga kasama sa bahay ng beteranong actor na si Ronaldo Valdez matapos na ito ay natagpuang wala ng buhay.
Sinabi ni Major Don Don Llapitan, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, na ito ay para malaman nilang walang anumang foul play sa pagkamatay ng 76-anyos na actor.
Natagpuang wala ng buhay kasi ang actor sa loob ng kaniyang kuwarto na may tama ng bala sa ulo kung saan nakuha pa ang baril na ginamit.
Hinihintay pa ng mga kapulisan ang resulta ng paraffin at ballistic test.
Nagsimula ang career ng actor noong 1966 at mula noon ay gumanap na ito sa mga pelikula at mga telebisyon.
Ayon naman sa anak nito na si Janno Gibbs na humihingi muna sila ng privacy sa panahon habang sila ay nagluluksa pa.