-- Advertisements --
viber image 2021 10 30 20 42 20 305

GENERAL SANTOS CITY – Iaapela ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ang pagtanggal sa kanyang partido sa nalalapit na May 9, 2022 elections.

Ito’y matapos nagpatawag ng emergency meeting sa kanyang mga legal counsel at pinag-usapan ang susunod na hakbang matapos dineklarang independent ng Commission on Elections ang mga kandidato ng political party na People’s Champ Movement (PCM).

Ayon kay Atty. Franklin Gacal Jr tumatakbong vice mayor nitong lungsod na kanilang ikinagulat ang desisyon ng Commission on Elections sa hindi malinaw na kadahilanan.

Dagdag ni Gacal na kanila pang inaalam kung may mga kamay na responsable sa pagbuwag sa nasabing partido .

Maliban kay Gacal, dineklara ring independent candidate ng Comelec ang hipag ni Sen. Pacquiao na standard bearer ng partido na si Barangay Labangal chairwoman Lorelie Pacquiao na tumatakbong mayor.

Matatandaan na ibinasura ng Commission in Elections ang petisyon ng PCM na maging isang national party.

Itinayo ang nasabing political party ni Pacquiao noong 2019 na nakabasi sa lungsod at sa probinsya ng Sarangani.