Noong March 17, 2022 sa Barangay Capataan, San Carlos City, Pangasinan ay masayang-masaya ang mga Senior Citizen sa nasabing Barangay dahil namigay na naman si Marlon De Guzman ng isang kahon ng Ascorbic Acid Vitamin C sa lahat ng mga Senior Citizen at gatas sa mga malnourish na mga bata sa Barangay.
Matatandaan na si Mr De Guzman ay ang Founder ng HELLO-Barangay Capataan Group na isang Charity Organization sa nasabing Barangay na nagsusulong para sa kalusogan ng mga bata at senior citizen.
Layunin nya na sa pamamagitan nito ay matulungan nya ang mga magulang na mabigyan niya ng libreng gatas ang kanilang mga anak at libreng Vitamins naman sa mga senior citizen.
Dagdag pa niya na mas kailangan nila ito lalo na at nararanasan parin ang kahirapan ng ilan sa kanyang ka-Barangay na dala ng covid19 noong nakaraang taon.
Ayon sa kanya ay hangga’t sa abot ng kanyang makakaya ay mabigyan niya ng gatas ang mga bata na mula sa Reliv NOW milk and food supplement at Vitamins C naman sa mga senior citizen.
Ito ay pagkaka-kita at paniniwala na kanyang pasasalamat sa Dios sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa tao, lalo na sa kanyang mga minamahal na ka-Barangay.
Madiin niyang sinabi sa kanyang ka-Barangay na sa Dios sila magpasalamat at hindi sa kanya dahil siya lamang ay ginagamit ng Dios para makatulong sa kapwa.