Umani ng papuri mula sa Frontliners sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) si Minister Safrullah M. Dipatuan dahil sa kanyang unprecedented accomplishments para sa health care system sa rehiyon sa kabila ng pandemya.
Kilala ang mga naturang frontliners bilang mya miyembro ng rural health unit simula pa noong panahon ng ARMM.
Pinapurihan nila ang anila’y commitment ni Dipatuan sa good governance and transparency na nagbigay-daan para matanggap ng rural health workers ang kanilang midyear bonus, clothing allowance, at hazard sa kauna-unahag pagkakataon.
“Facing the pandemic as frontliners, we were never failed by our beloved minister. The given allowances [inspire] us frontliners to work harder and give our best [to reciprocate] the hard work of our minister,” ayon sa isang frontliner.
“No words can explain our gratitude for having you as our leader especially in this trying times. [Receiving] our salaries is a big honor, but with midyear bonus and clothing allowance- wow! It’s something we never expected,” base sa Facebook page ng Tamparan Rural Health Office
Maliban sa pagkakaloob ng
bonuses and allowances sa healthcare workers, isinulong din ni Dipatuan ang regularization ng mahigit sa 100 midwives para makatulong sa kanilang frontliners sa pakikipagsagupa sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mapunuan ang malaking kakulangan ng health workers sa mga barangays, lalo na sa island-provinces ng BARMM.
At para masiguro na naihahatid ang
health services sa grassroots community, ay isinulong din ni Dipatuan ang probisyon na magkakaloob ng dagdag pondo para sa mga Rural Health Units (RHUs).
Noong nakaraang buwan ng Hunyo, ay naglaan ang Ministry of Health ng dagdag na P 10 million para sa provincial and city health offices upang matugunan ang health facilities’ operating expenses sa gitna ng COVID-19 crisis at matiyak na hindi makokompromiso ang basic health care services.
“We are happy to note that immunization, pre-and post-natal checkups, FP counseling, distribution of FP commodities, and the provision of modern FP birth-spacing methods and many other health services continue across the Bangsamoro region,” ayon sa health executive.