-- Advertisements --

Nakiusap si COVID-19 National Task Force Spokesperson Ret. Maj. Gen Restituto Padilla Jr. na sumunod sa bagong patakaran kung saan kinakailangang magsuot na rin ng face shield ang publiko tuwing lalabas ng kanilang mga bahay.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, magiging katuwang ng COVID-19 task force ang mga local government units (LGUs) para tiyakin na natutupad ang naturang panuntunan na ito.

Maaaring maglabas ang mga LGUs ng ordinansa upang higpitan ang mamamayan sa paggamit ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.

Bukod dito ay mas magiging mainam umano na tuloy tuloy ang gagawing pag-abiso na hindi kinakailangan pang ikulong ang mga mahuhuling pasaway. Mas magiging compassionate umano ang mga otoridad sa kanilang mahuhuling lalabag.

VC 1 (PADILLA ON FACE SHIELD)

COVID-19 NTF SPOKESPERSON TER. MAJ. GEN. RESTITUTO PADILLA JR

Una nang ni-require ng pamahalaan ang pagsusuot ng face shiled sa loob ng mga establisimiyento.

Base na rin sa projection ng OCTA Research group ay posibleng umakyat ang bilang ng naitatalang kaso ng deadly virus sa bansa ng hanggang kalahating milyon bago matapos ang taong 2020.

Dahil dito ay hinikayat ng OCTA Research ang national at lokal na gobyerno na magtulungan upang kontrolin ang pagkalat ng virus sa pmamagitan ng testing, contact tracing, isolation at quarantine.

Kasama na rin dito ang implementasyon ng targeted lockdowns para maiwasan ang mga kaganapan sa bawat komunidad na posibleng maging super-spreader.