-- Advertisements --

Nagsimula nang tumanggap ng mga sumbong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mamamayang hindi nakatanggap ng tulong, makaraang alisin o mawala sa listahan.

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, maaaring itawag o direktang iulat sa kanilang opisina ang mga ganitong concern.

Layunin nitong makompleto ang ayuda sa mga barangay na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaabutan ng relief o cash assistance.

DSWD hotlines
DSWD photo

Ginawa ng ahensya ang nasabing aksyon makaraang magpaabot ng reklamo ang ilan na hindi sila isinama sa listahan ng nakakasakop na baranggay dahil hindi ang mga ito botante doon.

Babala ni Bautista, maaaring panagutin ang mga opisyal na makikitaan ng kapabayaan o tuluyang pagbalewala kaya hindi naaabutan ng ayuda ang ilang apektado ng enhanced community quarantine.