-- Advertisements --
teachers guro rally salary ACt
Teachers from the Alliance of Concerned Teachers during the Labor Day march (file photo)

Nalalagay umano sa alanganin ang buhay ng mga hindi armadong grupo kapag sila ay iniuugnay sa mga komunista, ayon sa Commission on Human Rights (CHR).

Ito ang naging reaksyon ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia sa naging komento ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nito na ang mga representatives mula sa Makabayan bloc ay mga komunista at dawit sa mga plano para buwagin ang gobyerno.

Ayon kay de Guia, dapat ay maging malinaw para sa lahat ang pagkakaiba sa pagitan ng mga armadong indibidwal at sa mga tao naman na hindi sumasali sa anomang gulo.

Hindi aniya sinusuportahan ng CHR ang armed violence at paulit ulit na rin daw itong nagbibigay babala sa gobyerno laban sa red-tagging sa mga indibidwal na hindi naman gumagamit ng armas.

Maituturing umano na constitutional freedom ang ginagawa ng mga indibidwal na hindi gumagamit ng armas upang ipaglaban ang kanilang mga paniniwala/

Ang tinutukoy dito ni de Guia ay ang Article 3 Section 4 ng Philippine Constitution kung saan nakasaad na walang anumang batas na gugulo sa freedom of speech, expression, press, at maging ang karapatan ng mga tao na magtipon-tipon ng payapa.

Dagdag pa ni de Guia, hindi maituturing na komunista ang Makabayan bloc dahil hindi naman sila armado. Tanging ang New People’s Army (NPA) aniya ang dapat tawaging communist armed wing.