-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga gumagamit ng credit card sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon sa Credit Card Association of the Philippines, na mayroong 39 percent na pagtaas ng paggamit ng mga credit cards.
Sinabi naman ni CCAP Executive Director Alex Ilagan, na karamihan sa mga gumagamit ay agad naman nila itong binabayaran agad para maiwasan ang interest.
Nagsimulang tumaas ang paggamit ng credit card noong pandemic dahil sa karamihang mga negosyante ay bumibili sa mga online shops.