Iniulat ng Russia na ang mga domestic exporting company ay kailangang magbenta ng 50 percent ng kanilang kita sa foreign currency.
Ginawa ito ng Russia matapos daw na naging matatag ang ruble.
Una nang pinarusahan ng West ang Russia sa pagsisimula ng opensiba ng militar ng Moscow sa Ukraine noong Pebrero, ipinakilala ng mga financial authorities ang malupit na capital controls.
Inatasan nila ang mga exporting companies na ibenta ang 80 porsyento ng kanilang mga kita sa pag-export upang makabili ng mga rubles, bukod sa iba pang mga hakbang.
Simula noon, ang ruble ay nagsagawa ng isang kamangha-manghang rebound at lumakas sa paligid ng 30 porsyento laban sa dolyar.
Noong Lunes, ang finance ministry, binanggit ang isang komisyon ng gobyerno, ay nagsabi na ang mga kompaniyang nag-e-export ay kakailanganing magbenta ng 50 percent ng kanilang kita sa foreign currency.
Paulit-ulit na sinabi ni Russian President Vladimir Putin na nagtagumpay ang ekonomiya ng Russia sa sunud-sunod na mga Western sanctions.