Patuloy ang panawagan ng Joint Foreign Chambers (JFC) ang umbrella gruop ng mga dayuhan na negosyante sa bansa na dapat bumuo ang gobyerno ng transportation safety board.
Kasama ng grupo ang Safe Travel Alliance (STA) at the International Air Transport Association (IATA) ang nagpahayag ng kahalagahan ng pagbuo ng transportation safety board.
Layon nito ay para magkaroon ng masusing imbestigasyon sa mga nagaganap na aksidente sa transportasyon.
Umaasa sila na maipasa na ng mga mambabatas ang panukalang batas na nagbubuo ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB).
Inihalimbawa nila na kapag may mga aberya ay ang aatasan na mag-iimbestiga rin ay yung mga nakakasakop na ahensiya kung saan ayon sa grupo na magkakaroon na ito ng conflict of interest.
Magugunitang ang nasabing panukalang batas ay naipasa na ng nakaraang kongreso subalit ito ay nai-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil ang trabaho ng mga ito ay nagagampanan ng mga iba’t-ibang ahensiya.