Nagbabala ang mga eksperto na hindi pa rin ginagamit ng mundo ang isa sa pinakamabisang sandata nito laban sa COVID-19.
Ito ay ang maayos na pag-ventilate sa mga pampublikong espasyo o public places kahit mahigit dalawang taon na ang pandemic.
Sinabi ni Antoine Flahault, director ng Institute of Global Health at the University of Geneva na kailangan ang bagong phase at ito ang pag-improve sa quality sa indoor air.
Aniya, sa pag-asang masugpo ang takbo ng pandemya at mabawasan ang dami ng namamatay, kailangang bawasan ang antas ng kontaminasyon, na hindi kayang gawin ng bakuna nang mag-isa.
Ang COVID-19 ay pangunahing naipapasa sa pamamagitan ng hangin.
Dinadala ito sa malalaking droplet o fine aerosol kapag humihinga ang isang taong may impeksyon – at higit pa kapag nagsasalita, kumakanta o sumisigaw.
Sa isang saradong silid o hindi maganda ang bentilasyon, ang mga aerosol na ito ay maaaring manatili sa hangin nang ilang panahon, gumagalaw sa paligid ng espasyo at lubos na nagpapataas ng panganib ng impeksyon.