-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 04 12 56 40

CEBU CITY – Balak ngayon ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na magbigay ng P10,000 incentives kada buwan sa loob ng tatlong buwan sa mga doctors, nurses, medical technologists at iba pang medical workers na empleyado ng mga pribadong ospital na tumatanggap ng mga pasyente sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ngunit nangangailangan pa umano itong aprubahan ng city council para sa supplemental budget sa humigit-kumulang 1,800 na mga nurse.

Inanunsiyo din ni Labella na bigyan ng P1 milyon ang 80 ka barangay bilang financial assistance ngayong pandemic.

Samantala, masaya pang inanunsiyo ng alkalde kahapon na nadagdagan na naman ang bilang ng mga recoveries sa coronavirus at 42 pasyente ang na-discharge mula sa Cebu City Quarantine Center at karagdagang 22 sa Zapatera Isolation Center.

Base sa pinakahuling data na inilabas ng Cebu City Health Department, umabot na sa 3,046 ang total recoveries ng lungsod at 211 na namatay dahil sa virus.

Nasa 2,567 naman ang total active cases nito.