Mayroon ng 24 eksperto ang magsasagawa ng evaluation sa barko na nakabangga sa Francis Scott Key Bridge sa Baltimore.
Sinabi ni National Transportation Safety Board’s investigation, agency chair Jennifer Homendy na sisiyasatin nila ang nautical operations, vessel operatons, safety history records at iba ng nasabing barko.
Mahalaga din na makuha nila ang voyage data recorder para malaman kung nagbigay ba ng pagpapaalala ang barko at ito ay naghulog ng angkla.
Patuloy din na inaalam ng mga otoridad kung ilan ba ang tao na nalunod maging ang mga sasakyan na nahulog.
Tiniyak naman ni US President Joe Biden na bibisitahin nito ang nasabing lugar.
Sasagutin aniya ng federal government ang gastusin para muling maitayo ang nasabing tulay.
Naniniwala din ang US President na hindi sinadya ang nasabing pagbagsak ng tulay at ito ay isang uri ng aksidente.