Pinag-iisipan na ng health ministry sa Japan na payagan ang mga dentista na magsagawa ng coronavirus tests para palawigin pa ang testing capacity ng bansa.
Inilitag ng ministry ang naturang plano sa isinagawang expert panel meeting kahapon.
Mas mahihirapan daw kasi ang bansa na siguraduhing magiging ligtas ang halos lahat ng doktor at nurse na magsasagawa ng PCR test.
Sa kabila nito hindi naman papayagan ang mga dentista na kumuha ng samples mula sa ilong at lalamunan ng mga pasyente.
Ayon pa sa health ministry, kinakailangan munang dumaan sa training ang mga dentista bago sila payagan na magsagawa ng PCR testings ngunit kakailanganin pa rin nila ng consent mula sa mga pasyente.
Nagkomento naman ang ilang mga eksperto hinggil sa magiging laman ng training.
Kaagad na ipatutupad sa Japan ang bagong patakaran sa oras na maging plantsado na ang mga detalye.
Sa ngayon ay umabot na ng 8,800 ang nagagawang PCR test sa naturang bansa simula Abril.