-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nanaig ang malalim na debosyon ng mga deboto makasali lang ng traslacion sa kapistahan ng Itim na Nazareno kaysa magpapatalo ng mga pagbuhos ng ulan dito sa Cagayan de Oro City ngayong araw.

Ito ay para maihayag lamang ang kanilang pananalig sa Itim na Poon na pinaniwalaan na madalas magbigay milagro o kasagutan sa mga kahilingan ng mga deboto kaya milyun-milyon ang dumarayo tuwing isagawa ang traslacion ng kanyang kapistahan.

Bagamat hindi nalagpasan at lalong hindi naabot ang 250,000 devotees na dumalo sa traslacion nitong taon dahil pinakaunang nakikita ng pulisya nito ay bumuhos ang mga pag-ulan.

Sinabi naman ni City Police Director Col. Aaron Mandia naging matiwasay naman at walang anumang pangyayari na nakagambala sa selebrasyon.

Inihayag ni Mandia na nakuha nila ang overall generally peaceful activity dahil sa malaking force augmentation mula sa provincial commands ng Misamis Oriental at Bukidnon upang dumagdag magbigay seguridad sa taunang piyesta ng Itim na Poon sa lungsod.

Ayon sa pulisya tinatayang nasa 50,000 deboto lamang ang nakisali ng traslacion dahil hindi na sumama ang mga nasa loob ng Sr. San Agustin Cathedral pabalik sa pinaka-parokya nito na Senior Jesus Nazareno Parish kung saan idinaros rin ang high concelebrated mass na pinangunahan ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan,D.D.,SSJV.