-- Advertisements --

Maraming mananampalataya ang bumuhos sa kani-kanilang simbahan para gunitain ang Palm Sunday na siyang hudyat sa pagsisimula ng Holy Week.

Tulad sa Maynila partikular sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, punuan ang simbahan na nagpapabasbas ng kani-kanilang bitbit na palaspas.

Alas-4:00 kaninang madaling araw nagsagawa ng tinatawag na concelebrated mass sa Quinta Market.

Tatakbo naman ang morning mass sa mga simbahan mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng umaga. May mga misa rin mula alas-12:15 ng tanghali hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa kabila ng maluwag na restrictions, hinikayat pa rin ng pamunuan ng Quiapo Church ang mga deboto na tunghayan ang mga online mass sa kanilang Facebook page.

Bukod sa Quiapo Church, buhos din ang mga mananampalataya sa St. Peter Parish at Sacred Heart of Jesus Parish sa Quezon City.

Dahil patuloy ang banta ng Coronavirus Disease 2019, pinaiiral pa rin ang health at safety protocols sa mga simbahan kasama ang pagpapatupad ng “one seat apart” at pagsusuot ng face mask.