Inaasahan ang pagdagsa ng mas marami pang mga dayuhang turista na bibisita sa Pilipinas sa mga susunod na buwan kasabay ng desisyon ng gobyerno na pagluluwag sa travel restrictions ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente mas makakahiyat sa mas marami pang mga foreign tourists ang pagtaanggal ng swab tests requirements para sa mga dayuhang turista na papasok sa bansa lalo na para sa mga fully vaccinated na gayundin inalis na rin ang pag-require ng travel insurance para sa mga dumarating na pasahero sa bansa.
Dagdag pa ng Bi official na mas magiging madali na ang pagbiyahe kasabay ng new normal at pagpapalakas ng international arrivals sa mga susunod pang buwan.
Iniulat ni Morente na simula noong summer season , nakapagtala ang BI ng 15,000 arrivals kada araw.
Kung maaalala, inihayag ng IATF na exempted na mula sa RT-PCR test ang mga arrivals na fully vaccinated na naturukan na ang booster shot kabilang din ang mga fully vaccinated na minors edad 12 hanggang 17 anyos at pababa anuman ang kanilang vaccination status.