-- Advertisements --

Inamin ni Philippine Drug Enfrocement Agency d(PDEA) director general Wilkins Villanueva na ilang sa mga dating gumagamit ng shabu ang unti-unti ng lumilipat sa marijuana at ecstacy.

Dahil dito ay sinimulan na ng drug enforcement bureau ng Pilipinas ang pag-eradicate ng marijuana sa Cordillera.

Batay sa survey ng Dangerous Drugs Board (DDB), batid ng karamihan na isa sa mga itinuturing na iligal na droga ang paggamit ng marijuana.

Naniniwala naman si Villanueva na ang pagbabagong ito ay bundos na rin ng masigasig na paghuli ng mga otoridad sa mga indibidwal na gumagamit ng bawal na gamot.

Ngayong buwan ay aabot na ng 14,000 barangays ang nakatakdang i-clear mula sa iligal na driga. Ani PDEA chief, talagang bubunuin nila ang mga drug pushers dahil nauubusan na sila ng otas.

Nabatid din sa isinagawang survey ng DDB ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipino na nagiging drug dependent na aabot na lamang umano sa halos isang milyon.

Magandang improvement aniya ito mula sa estimated number ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 na aabot sa 4 milyong users.