Inalala ng mga dating miyembro ng gabinete ng yumaong Pangulong Fidel V. Ramos ang kaniyang magagandang mga nagawa.
Sa pagbisita sa burol ng mga gabinete sa Heritage Park, Taguig ay isa-isang nagsalita ang mga ito.
Kinabibilangan ito nina dating Senator Franklin Drilon, na nagsilbing Department of Justice Secretary ni Ramos, Rafael Alunan III, na dating Department of Interior and Local Government Secretary, dating National Defense Secretary Renato de Villa, dating Labor Secretary Nieves Confesor, dating Agrarian Reform Secretary Ernie Garilao, dating DSWD Sec. Cora Alma De Leon, dating Finance Sec. Bobby De Ocampo, dating presidential flagship program Sec. Ernie Ordonez, dating national Youth Commission chair, Amina Rasul-Bernardo at dating Health Secretary Carmencity Reodica.
Huling nagtalumpati naman ang isa sa mga apo nito na inalala ang mga mabubuting aral ng dating pangulo.
Bago ang nasabing pagtalumpati ng mga dating gabinete nito ay nagsagawa ng interfaith service ang ilang mga pari at obispo.
Inaasahan naman na ngayong Biyernes ng gabi ay magkakasama sa burol ng dating pangulo ang mga mamamahayag na nag-cover sa pangulo.
Magugunitang bukod kay Pangulong Ferdinand Marcos ay dumalaw na rin sa burol ni FVR sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Vice President Leni Robredo at mga kasalukuyan at dating opisyal ng bansa.