-- Advertisements --

BUTUAN CITY- Sinalubong ng malungkot na kapaligiran ang mga kapwa nagmamay-ari ng mga cottages sa Barangay Masao Beach ngayong araw dahil sa kawalan ng mga nakikitang panauhing maligo.

Sa isang eksklusibong panayam kay Naome, isang co-owner ng cottage, isiniwalat nito na isang malaking tapyas ito sa kanilang kita ay ang paghihigpit ng mga protokol sa loob ng lugar matapos ang pagpapatupad ng pagbabawal sa pagpasok sa mga may edad 15 pababa at 65. pataas .

Ngunit handa silang tanggapin ang mga gustong maligo lalo’t hindi nagtaas ang kanilang presyo sa bawat cottages .

Sinabi din nito na ngayon pa lang ito naganap umano sa kanilang resort na halos walang dumayo upang maligo dahil na rin sa nilagay na checkpoint kaya madalas natakot ang mga tao na pumasok sa lugar.

Ngunit sa gitna ng ipinatupad na mga protocol ng lokal na pamahalaan na ngayon ay sinunod nila, ipinagbabawal din ang night bathing pati na rin ang pag-standby.