-- Advertisements --
Nagdeklara ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng kalahating araw na suspensiyon sa trabaho sa lahat ng mga city government offices nito sa darating na Oktubre 31, 2023.
Batay sa inilabas na executive order no. 35 ni Manila Mayor Honey Lacuna, hanggang alas-12 ng tanghali lamang ang magiging operasyon ng lahat ng mga non-frontline city government offices sa lungsod.
Ito ay upang mabigyan ng sapat na oras para bumiyahe ang mga empleyado nitong makikiisa sa paggunita ng araw ng mga kaluluwa at araw ng mga santo kasama ang kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay bilang bahagi na rin ng tradisyon ng mga Pilipino.
Samantala, para naman sa mga pribadong kumpanya at national government agencies ay ipinauubaya na nito ang pasya sa mga pamunuan nito