-- Advertisements --

Inamin ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (AKG) na mas nagiging agresibo na ang mga Chinese na may criminal record dito sa Pilipinas.

Ayon kay PNP-AKG spokesperson, Police Major Rannie Lumactod, ang pagiging bayolente ng Chinese syndicates sa kanilang kidnap for ransom (KFR) activities sa mga casino at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay dahil sa mga kasabwat nitong umano’y mga pulis at sundalo na pawang mga retirado.

Binabayaran umano nila ito at ginagawang mga “protective agents.”

Dagdag pa ng opisyal, hindi nila inaalis ang posibilidad na ang mga Chinese na sangkot sa kidnapping ay sangkot din sa iba pang krimen.

Base sa record ng AKG, mula sa 17 kaso ng KFR noong 2018, lumobo ito sa 42 noong 2019.

Habang mula naman sa zero case sa POGO related kidnapping, nakapagtala ng 13 kaso ang AKG noong 2019.