-- Advertisements --

Naglunsad ang mga US business leaders ng five-year, $250 million drive para suportahan ang Asian-Americans at Pacific Islanders.

Nais ng grupo na magtayo ng mga opisina sa mga lugar kung saan mataas ang kaso ng racial attacks.

Ayon sa Asian-American Foundation na sila ay mag-i-invest ng initial funding.

Pinangungunahan ni Li Lu ang founder ng hedge fund Himalaya Capital ang foundation’s board na sila ay nangako na sasagutin ang $125 million na funding.

Habang ang $125 million ay sasagutin din ng mga malalaking kompaniya kabilang na rito ang National Basketball Association.