-- Advertisements --
Isasailalim muna sa confirmatory test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang bus driver na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.
Sinabi ni Land Transportation Office (LTO ) chief Teofilo Guadiz III na kapag nagpositibo muli ang nasabing mga drivers ay babawan ang mga ito ng lisensya.
Isinagawa ang random drug testing sa Araneta Bus terminal sa Quezon City nitong Huwebes para matiyak na walang driver na gumagamit ng droga para na rin sa kapakanan ng mga pasahero.
Pagtitiyak nito na patuloy ang kanilang programa sa pagsasagawa ng random drug test sa iba’t-ibang pampasaherong sasakyan.