-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Walang naisalbang gamit ang mga nakatira sa mga bunkhouse matapos maabo sa nangyaring sunog sa Barangay Upper Glad 1 Midsayap Cotabato.

Ayon sa mga opisyal ng Barangay mga manggagawa ng isang banana chips factory ang nakatira rito.

Nangyari ang sunog ilang minuto lamang matapos ang kanilang tanghalian at eksaktong pagbalik nila sa trabaho ay nagliyab ang kanilang bunkhouses.

Nagtulong-tulong sa pag-apula ng apoy ang Bureau of Fire Protection (BFP-Midsayap) at ang Water Tanker ng De Rose Shopping Center ni Mayor-elect Rolly Sacdalan.

Tupok na ang bunkhouse bago naapula ang apoy.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP Midsayap sa nangyaring sunog.