CAUAYAN CITY- Itinali na ng mga residente ang bubungan ng kanilang mga bahay bilang paghahanda sa pagatama ng bagyong Siony sa Batanes na ngayon ay nasa signal number 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Roldan Esdicul, PDRRM Officer ng Batanes, nagsagawa na anya sila pre-disaster assessment upang paghandaan ang bagyong Siony.
Handa handa na rin anya ang kanilang response cluster sa kanilang lugar sa anumang magiging epekto ng bagyo.
Tuloy tuloy din ang kanilang information dessiminations sa mga local government units at mga stakeholders upang maging handa.
Pinaalalahanan na rin nila ang mga LGUs at mga opisyal ng barangay na tumulong na rin sa pagtatali ng bahay ng mga residente bilang paghahanda sa bagyong Siony.
Tinanggal na rin ang mga bangka sa dalampasigan at pinigilan na ang mga mangingistang pumalaot dahil matataas na ang alon na umaabot sa tatlo hanggang limang metro ang taas.