-- Advertisements --

Nakatutok na ngayon ang mga boksingero ng bansa para sa Olympic qualifying tournaments.

Ito ay matapos na matagumpay na humakot ng gintong medalya sa Boxam Elite Tournament na ginanap sa Alicante, Spain.

Pinangunahan ni 2020 Tokyo Olympics Games silver medalist Nesthy Petecio ng talunin si Hsiao Wen Huang ng Chinese Taipei sa womens’ featherweight 57 kgs.

Tinalo naman ni Rogen Ladon si Istvan Szaka ng Hungary sa championship round ng men’s flyweight 51 kgs. division.

Matagumpay naman nagwagi ang 28-anyos na si Aira Villegas laban kay Kyzaibay Nazym ng Kazakhstan sa 50 kgs. women’s light flyweight division.

Huling nakakuha ng gintong medalya si Hergie Bacyadan ng talunin si Yerzhan Gulsaya ng Kazakhstan sa women’s middlewieght 75 kgs.

Ang nasabing torneo ay bahagi ng kanilang paghahanda sa 2024 Paris Olympics.

Susunod na laban nila ay sa Olympic Qualfying Tournaments sa Busto Arsizio, Italy sa Pebrero 29 hanggang Marso 12 at sa Bagkok, Thailand mula Mayo 23 hanggang Hunyo 3.