Ikinasal na si dating Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa nobyo nitong si DJ John Odin.
Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Bauang, La Union nitong Oktubre 8.
Sa kanilang mga social media accounts ay ibinahagi niya ang mga larawan ng kasal na dinaluhan ng mga kaanak at mga malalapit na kaibigan.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang kaibigan matapos mabalitaan ang magandang balita.
Naging kinatawan ng Cebu City si Beatrice sa Miss Universe Philippines noong 2021 kung saan tinalo niya ang 27 na iba pang mga kandidata.
Nagtala ito ng kasaysayan matapos bilang openly bisexual na babae na nagwagi ng national crown at naging Top 5 sa Miss Universe 2021 pageant na ginanap sa Israel.
Habang ang asawa nitong si John ay kilalang DJ sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.