-- Advertisements --
DAVAO CITY – Buhos ngayon sa tanggapan ng pulisya ang ilang nagpakilalang investors na biktima umano ng isang investment scam sa Davao City.
Inireklamo ng nasabing investors ang hindi umano nila pagtanggap ng pangkong payout mula sa Rich 8 Davao Trading matapos magpasok ng pera noong June 29.
Batay sa ulat, isang Maryflor Caballero ang sinasabing chief executive officer ng naturang kompanya.
Wala rin daw itong opisina at sa isang hotel sa Tagum City lang daw nagkikita ang mga miyembro nito.
Kabilang sa mga complainant ang isang investor na nagpasok umano ng P350,000 at pastor na may halos P200,000 pay in.
Sa ngayon patuloy ang koordinasyon ng Sta. Ana Municipal PNP sa Tagum City Police kung saan naitala ang insidente.