-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Taliban ang pagpapasara ng lahat ng mga hair at beauty salon sa Afghanistan.

Ayon sa tagapagsalita ng Vice and Virtue Ministry na mayroon lamang ng hanggang isang buwan para sumunod sa kautusan.

Mula ng makuha ng Taliban ang pamamahala sa Afghanistan ay naghigpit na ang mga ito sa batas para sa mga kababaihan.

Magugunitang pinagbawalan ng Taliban ang mga kababaihan na pumasok sa kolehiyo at makapagtrabaho sa United Nations.

Bukod pa dito ay naghigpit sila sa kasuotan ng mga kababaihan kung saan dapat ay mata lamang ang makikita sa kanilang kasuotan.